children's month celebration


       Nag-uumpisa ang lahat ng ito sa panganganak ng isang babae. Tinuturing na isang biyaya ang mga bata, ngunit malaki din ang responsibilidad na iyong dapat gampanan bilang isang magulang. Mahalagang bigyan natin ng tamang pag-mamahal at pag-aaruga sa mga bata. Dahil, ang mga batang tulad nila ay maaring mapagmalaki balang araw.        


        Pagsapit ng buwan ng Nobyembre, taon-taon nating pinagdiriwang ang Children's Month. Na kung saan, ang tema ngayong taon ay "ISULONG: Tamang Pag-aaruga Para sa Lahat ng Bata." Mahalagang bigyang pansin at bigyang pagpapahalaga ang mga bata. Alam naman nating marami ng mga kabataan na naabuso dahil kulang sila sa pag-aaruga ng kanilang pamilya. sa dami ng mga batang inaabuso ang mga iba ay namamatay na. Kaya ngayong taon ipinahihiwatig ng tema ay bigyang pag-aaruga ang mga bata. Mahalin at bigyan sila ng oras. Alagaan sila ng mabuti dahil sila rin ang magaangat sa atin balang araw.         

      Bigyang halaga ang mga bata dahil sila an gating yaman. Gaya nga ng sinabi ni Dr. Jose Rizal “Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan.”


Comments

Popular posts from this blog

State of the Nation Address 2018

"RESILIENT OF FILIPINO"

REFLECTION